Nakwento lang sa akin ng Mama ko. Naexperience daw ng kumare niya, habang naglalakad sa may East Ave., muntik na raw siyang mabundol ng kotseng may sakay na mag-asawa habang papunta ito ng parking lot. Yung lalaki ang nagmamaneho. Pumarada yung kotse sa may Jolibee. Pagkatigil ng kotse, nilapitan ng kumare ng aking nanay yung kotse at kinatok sa may bintana at pinagsabihan yung lalaki. Basahin ang dialogue. Papangalanan nating Emily ang kumare ng aking nanay, ngunit ito ang tunay niyang pangalan. So para may onting privacy, itago na lamang natin siya sa pangalang Amparo Gunigundo. Sige Amparo na lang. Hindi naman kailangang may apilyedo pa kapag screen name lang ang gamit. Pero parang mas gusto ko ang pangalang Baleleng. Wag na. Amparo na lang. Or Mrs. Gunigundo? Sige Amparo.
Amparo: Mag-ingat ka naman sa dinadaanan mo. Muntik mo na akong masagasaan. (mahinahon, hindi ito pasigaw)
Lalaki: Baket tinamaan ka ba? Nasagasaan ka ba?!
(tahimik lamang ang asawa ng lalaki, mukhang sunud-sunuran ito sa asawang mayabang)
Amparo: Aba ikaw na nga ang muntik na makapatay ikaw pa ang galit. (oo ginamit niya ang word na patay)
Lalaki: Eh haharang-harang ka sa daan! Kasalanan ko ba?
Amparo: (sa sobrang inis ay tumingin-tingin sa paligid at naghanap ng pulis) Ang yabang mo ah, baka gusto mong isumbong kita sa pulis.
Lalaki: Sige isumbong mo! Hindi mo kilala kung sino ako?
Amparo: Tse!
Actually hindi na kasama yung “Tse!”. Nilagyan ko lang ng pantapos na linya ang scene. Umalis na lamang ang kumare ng nanay ko dahil sa sobrang inis. Napakabantot ng pag-uugali nung lalaki. Aba’t nagmalaki pa na kesyo hindi niya kilala kung sino ito. Baka siya ang kabiyak sa arinola ni Ampatuan, kaya ganun na lamang kung umasta. Kulang na lang lagyan niya ng wang-wang ang sasakyan niya para kumpleto na ang kayabangan package niya. Kawawang misis. Hindi nakakibo sa naganap na sagutan. Kawawa rin ang kumare ng nanay ko (a.k.a Amparo Gunigundo). Siya na nga ang muntik nang mapahamak, parang siya pa ang nagkamali.
Sanaý masunog nang buhay ang mga nilalang na may ubod ng yabang at sama ng pag-uugali. Sanaý tambangan sila ng taong bayan. Sana’y tuhugin ng kawayan ang butas ng kanilang pwet. Sana’y kagatin sila ng langgam sa mata. Sana’y maging blogger sila at i-click ng sobrang madaming beses ng isang tao ang Google ads nila tapos ibaban sila ng Google. Sana’y maging estudyante sila ulet at kapag nasa thesis na sila, sisirain ng kaklase nila ang thesis nila para umulit sila ng isang taon.






Birthday ko Ngayon!
…
To the person who has made this blog possible, you are the epitomy of greatness. Within you lies a river of hope that reaches out to every individual alive. Happy Birthday Louis. – quote by Louis, July 25, 2010
Joking aside, happy birthday to myself. Batang-bata at fresh na fresh sa edad na 24.