Di mo ba naisip minsan na sana’y manumbalik ang iyong paboritong artistang matagal nang binaon sa limot ng sangkatauhan? Kung ako ang tatanungin, may ilang artistang nais kong buhayin ang mga career. Narito sila:
- Jovit Moya – Isa sa mga miyembro ng That’s Entertainment crew. Ayon sa sabi-sabi, siya daw ngayon ay isang baklang pulis. Kung ito man ay totoo, dakila ka Jovit. Ipagpatuloy mo ang paglilingkod sa bayan.
- Isabel Granada – Ewan ko na lang kung hindi mo kilala ang chick na ito. Ang kanyang matapang na beauty ang kanyang pambato. Nawa’y magpasabog ulit ang granada sa mga movie theaters.
- Bayani Casimiro Jr. – Ang dakilang “Prinsipe K” ng Okay Ka Fairy Ko! TV series. Siya ang nagtatap dance na fairy na may malaking tenga. Kailan kaya siya ulit magkakabreak? Marahil ay kapag nagkaroon ng TV series o movie na nangangailangan ng fairy na nagtatap dance.
- Anjanette Abayari – Nagustuhan ng madla dahil sa kanyang exotic beauty at State-side accent kapag nagtatagalog. Siya rin ay nakakamit ng titulong Binibining Pilipinas Universe. Isa siya mga hosts ng noon time show na Salo Salo Together na kinabibilangan rin nina Randy Santiago, Albert Martinez at Smokey Manaloto. Nakatrabaho rin niya si FPJ sa isang pelikula. Siya rin ang babaeng ipinagpalit ni David Bunevacz para kay Jessica Rodriguez.
- Amanda Page – Kapag naririnig ko ang pangalan niya, naaalala ko ang pelikulang Tatsulok.
- Chuckie Dreyfus – Isa pang gwapito ng That’s Entertainment. Sa pagkakaalam ko, abala siya sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya CD Sound Labs, isang digital recording studio. Una siyang nasilayan sa pinilakang tabing noong 1984 sa pelikulang “Idol”. Gumanap siyang sidekick ni Rudy Fernandez. Follow him on Twitter – chuckdreyfus.
- Whitney Tyson – Black is beautiful ika nga. Anu na bang balita sa kanya? Nakiblend in na ba siya sa mga tao sa US? Updates are highly appreciated.
- Mark Solis – Siya lamang ang hindi nakausad sa solo career mula sa kasikatang natamo sa ABS-CBN trio ng tinaguriang Koolits. Ang dalawa niyang kasama ay kilalang kilala na sa mundo ng pelikula at telebisyon. Si Baron Geisler, madaming bad boy roles. Napasali pa sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother. Puno ng kontrobersiya. Si John Lloyd Cruz, isa sa mga pambato ng ABS-CBN. Isang matinee idol. Madami nang nakatambalang magagandang babae. Mark Solis – “Paano naman ako? Bigyan niyo naman ako ng projects. Magkakalevel lang kami dati. Pagbigyan niyo naman ako.” (Peace Mark, magaling kang artista)
- Bernardo Bernardo – Ang baklang baklang aktor ng Home Along Da Riles na panay ang pagkontra kay Kevin Kosme. Ayon sa aking research, siya ngayon ay nakatira sa Amerika. Noong 2004, naparangalan siya ng Best Entertainer of the Year sa Via Times Hall of Fame Awards sa Chicago. Noong 2005, siya ay nagtamo ng Filipinas Magazine Achievement Award. At noong 2006, nakamit naman niya ang Thomasians USA Nobility Award. Bigatin na pala itong si Bernardo Bernardo. Hindi na siya kailangan i-revive.
- Louis Dizon – Siya na marahil ang pinakasikat at pinaka-good looking sa mga nabanggit. Sobrang husay sa pag-arte, pag-awit at pagsayaw. Wala ring kapantay ang kanyang hosting at VJ skills. Sandamukal na international awards ang kanyang natamo. Ipinagmamalaki ng buong Pilipinas sa kanyang world class na talent. Ayon sa mga bali-balita, siya ay kasalukuyang nagtratrabaho bilang programmer sa isang IT company. Kailan kaya siya babalik sa showbiz? Marahil ay hindi na sapagkat nakamit na niya ang rurok ng tagumpay sa larangang ito.
Kung may naiisip pa kayong iba, pakibahagi naman sa amin. Next time, bumuo tayo ng fans club.


14 Comments
Si Lady Lee. Sya yung batang laging kasama ni Aiza Seguerra dati. Anak ng Little Miss Philippines din si Lady Lee.
@Cai – Oo nga! Siya nga! Nakikita ko siya sa school noong elementary ako.
Si Isabel Granada taga rito samin sa St. Monique Valais but she is really quiet. We even rarely see her here so we really don’t know what she is up to these days. …..but yeah, nice to bring back the good old days…..
@pusang-kalye – Pakiparating na lang kay Isabel ang aking pagbati.
Aha! May twitter pala si Chuckie. Matagal ko na shang tinatry hanapin dahil may _____ pa sha sa _____. Secret nalang natin yun. Chucky, if you’re reading this, Happy New Year and hope to catch up with you soon!
Si Lady Diana din! Sha na ay isang butch. Nakita namin sha sa exclusive party for girls. Sinong makakalimot sa kanyan one-hit-wonder na Sasasadami???
@Amrei – Oo nga, naaalala ko siya, yung natatakpan ng buhok yung isang mata. Yun nga ba yun..
@Amrei – Anu kayang meron sa blanks na yan. Si Chuckie lang ang nakakaalam.
Oo si Lady Diana nga yun. Ngayon wala na yung buhok kasi parang naka brush up sha.
So totoo palang bading talaga si Jovit.
Kasi di natanggap ang Tito ko sa PNPA dahil nung medical nila andun si Jovit, ang sama daw ng tingin sa kapwa applicants na walang saplot.
@Entrepremom – Sa wakas at may tangible proof na tayo! Lol. Baka naman hindi totoo. (naks biglang bawi)
Keep posting stuff like this i really like it
Ayos na sana yung article mo eh. Kaya lang, sino ba yung napakasikat na artistang si Louis Dizon ba yun? Ba’t nung Gi-noogle ko, walang result na lumabas? Dissemination of false information ‘yan, ‘pre hehehe Seriously, I’ll be waiting for more interesting articles from your blog. More power!
alam ko kung nasan si whitney. manuod lang kayo ng QTV True Stories