MRT Harassment Chronicles Part 2

Narito na naman ako. Ito na po ang aking ikalawang liham sa inyo. Pasensya na po at natagalan, ngunit hindi ko napigil ang pagluha sa tuwing inaalala ko ang mga masasaklap na kaganapan sa aking buhay.

Ok na bang intro yun? Mabalik tayo sa usapang MRT harassment. Kung hindi mo pa nababasa ang unang kabanata ng aking karanasan, maari ka munang maglaan ng panahon sa pagbasa ng MRT Harassment Chronicles Part 1. Sa pagkakataong ito, hindi naganap ang karumal-dumal na krimen sa loob ng tren kundi sa may hagdan lamang ng MRT station.

Ikalawang Kabanata: Ang Multong Baklang Mandarakma

Kung sa unang kabanata ay isang matandang manghihipo ang salarin, ngayon naman ay isang baklang mukhang parlorista ang umatake sa ating bida. Matingkad ang kulay ng kanyang buhok. Naka-skinny jeans at naka checkered na polo. Phew, akala ko ako na yung tinutukoy, buti hindi na masyadong matingkad ang buhok ko at hindi masyadong fit ang pants ko. Wala rin akong checkered polo. So hindi ako yun. Bakit ko naman hihipuan ang sarili ko?

Matuloy tayo sa kwento. Galing ako noon ng opisina, 2pm-10pm ang aking shift. Maulan at malamig ang panahon. Sumakay ako ng MRT sa Ayala at bumaba ng GMA station. Halos alas onse na ng gabi nang makarating ako sa GMA. Nang makalabas sa tren ay tinahak ko ang hagdan. Nasa may kabilang side ng kalsada ang destinasyon ko kaya umakyat ako ng hagdan upang tumawid sa kabila. Wala akong kasabay paakyat dahil lahat ata ng pasahero ay pababa ng hagdan. Maya-maya ay may nasalubong akong halimaw na ubod ng sama ng itsura, mabantot at ang sarap ihulog sa kanal. Ok, cool ka lang Louis. Tao ang nasalubong mo. Wag maging emotional sa post.

Nang mapalapit sa akin ang tao ay napakabilis na ng mga pangyayari. Iniakma niya ang kanyang kamay sa aking jewels na tipong dadakma at pipitas ng prutas mula sa puno. Mabuti na lamang at nagvitamins ako nung umaga at may natira pang alertness sa aking katawan. Nagawa kong sanggain ang umatakeng kamay gamit ang aking kamay. Napatunganga ako ng ilang segundo habang nagpatuloy naman sa pagbaba ng hagdan ang bakla, waring tumatakas sa krimeng nagawa. Nang manumbalik ang aking pag-iisip ay minura ko ang baklang papalayo at sinubukan itong habulin. May dala-dala akong payong sa mga panahong iyon kaya binalak kong hambalusin ang halimaw sa mukha. Ngunit dahil maulan ay madulas ang hagdan. Hindi ko na tinuloy ang paghihiganti at hinayaan na lamang makalayo ang multong bakla.

Habang ako’y naglalakad pauwi sa bahay ay nanginginig ang aking mga kalamnan sa galit. Nakangiti pa ata yung bakla habang papalayo siya sa akin.

Ang masasabi ko lamang ay hindi siya nagtagumpay sa kanyang masamang balak. Pero kahit papaano ay nagdikit ang aming kamay nang sanggain ko ang kanyang paglusob. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Marami na kaya siyang nabiktima? Sinalvage na kaya siya ng mga pulis? Ito ay mananatili na lamang misteryo.

This entry was posted in Experiences, Morbid and tagged , . Bookmark the permalink. Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

11 Comments

  1. Posted January 6, 2010 at 4:54 pm | Permalink

    Luis, akala ko mga gels lang ang naha-harass, pati pala lalaki.

  2. Louis Dizon
    Posted January 6, 2010 at 4:55 pm | Permalink

    @Entrepremom – Oo nga eh. Para hindi raw masabihan na sexist ang harassers.

  3. Posted January 6, 2010 at 8:44 pm | Permalink

    ” halimaw na ubod ng sama ng itsura, mabantot at ang sarap ihulog sa kanal”
    Grabe ka, ansama mo naman! hahahaha

    Lapitin ka masyado ng mga dingbads.. hmm.. *wink wink*

  4. Louis Dizon
    Posted January 6, 2010 at 9:11 pm | Permalink

    @Cai – Onga eh bad trip talaga. Baka tiyempo-tiyempo lang. Hehe.

  5. Posted January 6, 2010 at 11:45 pm | Permalink

    HAHAHAHA! eto ang tunay na depinisyon ng “multong bakla”; dakma sabay takbo. ahaha! ngaun lang ako naka-encounter ng bading na nambibiktima tlga ng lalaki. haha :D

  6. Posted January 7, 2010 at 5:01 am | Permalink

    Ikaw na ang habulin ng multong bakla.

    Paano ba naman, may gay magnet ka ata Papa Luis lulz

  7. Posted January 12, 2010 at 6:12 pm | Permalink

    ay, baka kasi alam nilang taga QueSci ka at taga-UP.
    dapat daw, kapag matalino at iskolar ng bayan, mapagbigay.
    minsan, timing lang talaga yan. kapag tumanda ka, malamang
    hindi ka na rin pag-iinteresan. gayunpaman, nakikisimpatya
    ako sa iyo at sana, ako din ay ma-harass. :)

  8. Louis Dizon
    Posted January 12, 2010 at 8:19 pm | Permalink

    @Gramps – Salamat sa iyong simpatya!

  9. Posted January 12, 2010 at 8:24 pm | Permalink

    grabe…. naisip ko lang.. pano kaya ung mga babaeng nababastos dun.. lalo cguro silang walang magawa… tsk.. sobrang sikip kasi sa MRT

  10. Posted January 18, 2010 at 5:07 pm | Permalink

    Grabe talaga tao sa MRT, lalo na pag peak hours. Hehe.
    “ang sarap ihulog sa kanal” wah grabe ka nga :D

  11. titus
    Posted February 7, 2010 at 7:01 am | Permalink

    ahhm… ako nagpapaharass kapag cute yung manghaharass sa mrt hehe… tsaka mabuti pa yung pag tipong anjan na yung tren, namimili ako ng pinto na marami ang cute na nakasakay at sumasakay!!!

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>